Ex ni Karla Estrada, binugbog ang fiancée na DJ vlogger
MANILA, Philippines — Bugbog sarado ang DJ vlogger na si Jellie Aw sa kanyang nobyong si Jam Ignacio na dating nobyo ng Karla Estrada.
Sa mga larawang naka-post ngayon sa Instagram Story ng DJ vlogger, makikita na duguan ang mukha nito at nasa Emergency Room ng isang ospital.
Naka-post din ito sa Facebook page ng biktima ang mensaheng:
““HAPPY VALENTINES? t...na mo Jam Ignacio mapapatay mo ko wala akong ginawang masama para ganituhin moko. Halos mamatay ako sa ginawa mo! papakulong kita!”
Sa Facebook post, naman ng kapatid ni Jellie na si Jo, pinagbubugbog ni Ignacio ang kanyang kasintahan sa loob ng naka-lock na sasakyan habang papauwi.
Kinuha ni Ignacio ang cellphone ng kanyang kapatid kaya hindi makatawag at makahingi ng saklolo.
Nakahingi lamang si Jellie ng tulong sa isang toll collectors nang hindi basahin ang RFID sa tollgate. Dito na tumakas si Ignacio.
Nobyembre 2024 nang ihayag ng dalawa ang kanilang engagement.
- Latest