Import ban sa animal products mula Germany, ipinatupad ng DA
MANILA, Philippines — Nagpatupad ang Department of Agriculture (DA) ng pansamantalang ban para sa importasyon ng animal products mula Germany.
Ito kasunod ng outbreak ng foot-and-mouth disease sa mga hayop sa naturang lugar.
Noong January 10, nag-abiso ang Germany sa World Organization for Animal Health (WOAH) hinggil sa kumpirmadong FMD cases sa domestic buffaloes sa bayan Hoppegarten, Märkisch-Oderland, Brandenburg sa Germany.
Noong 2024, nag- import ang Pilipinas ng 3,177.5 metric tons ng baka mula Germany.
Nilinaw ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. na ang import ban ay mananatili hanggat hindi pa nakakakuha ng FMD-free status mula sa WOAH ang Germany.
Gayunman, exempted sa ban ang ultra-high temperature milk at derivatives, heat-treated meat products na nasa hermetically sealed containers, protein meal at gelatin, in vivo-derived bovine embryos gayundin ang limed hides, pickled pelts, at semi-processed leather.
- Latest