Ex-general sa P6.7 bilyong drug haul sumuko, nagpiyansa
MANILA, Philippines — Dumating na sa bansa ang retiradong heneral ng Philippine National Police na isinasangkot sa P6.7-bilyon drug haul noong Oktubre 2022, upang sumuko at naglagak ng kanyang piyasa sa Manila Regional Trial Court kahapon.
Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, agad na isinilbi ang warrant of arrest kay retired general Benjamin delos Santos matapos itong lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bandang alas-4:48 ng madaling araw kahapon.
Umalis ng bansa si Delos Santos noong Enero 8 at nagpadala din ng surrender feelers sa pamamagitan ng kanyang abogado.
Sumuko ito sa Criminal Investigation and Detection Group at sumailalim sa normal booking procedures.
Agad din naman itong nakapagpiyansang P200,000 bail at napalaya pansamantala.
Kabilang si Santos sa 29 na mga dating mga opisyal at miyembro ng PNP na pinaaresto ng korte bunsod kontrobersiyal na 990 kilo ng shabu sa WPD Lending sa Sta. Cruz, Maynila.
Pito na lamang sa 29 ang pinaghahanap ng tracker team.
May Hold Departure Order na rin mula sa korte ang mga pulis na wanted.
- Latest