^

Metro

3 pulis sibak sa EDSA busway

Ludy Bermudo, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
3 pulis sibak sa EDSA busway
Ayon kay PNP-HPG spokesperson PLt. ­Nadame Malang, Pebrero 7 pa nang kanilang tanggalin sa puwesto ang tatlong pulis ilang minuto lang makaraang masangkot sa pagdaan sa busway.
Edd Gumban, File

Driver ni Pacquiao natikitan din...

MANILA, Philippines — Sibak sa puwesto ang tatlong pulis na miyembro ng Philippine Natio­nal Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) matapos na dumaan sa EDSA busway at masita ng mga tauhan ng Department of Transportation-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) noong nakaraang linggo habang natikitan din ang  security escort ni  dating Senador Manny Pacquiao sa pagdaan din sa  busway.

Ayon kay PNP-HPG spokesperson PLt. ­Nadame Malang, Pebrero 7 pa nang kanilang tanggalin sa puwesto ang tatlong pulis ilang minuto lang makaraang masangkot sa pagdaan sa  busway.

“Our director already gave this order na ma-relieve itong mga tropa natin to give justice and leeway din doon sa investigation na kino-conduct ng ating Highway Patrol Group,” ani Malang.

Nilinaw ni Malang na walang kinalaman o anumang utos si PNP chief PGen. Rommel Marbil na ipatigil ang panghuhuli ng DOTr-SAICT sa mga bawal na dumaan sa EDSA busway.

Sa ngayon ay inutos ni PNP HPG chief PBGen. Eleazar Matta, ang malalimang imbestigasyon sa kaso.

Lumilitaw sa report ng DOTr-SAICT, bandang alas-7:45 ng umaga nitong Biyernes nang dumaan ang isang sasakyan kasunod ang dalawang HPG motorcycles sa Ortigas Northbound Flyover, EDSA Busway  kaya tiniketan.

Dito na nangatwiran ang mga pulis HPG at sinabihan na sila ang dahilan ng matinding trapik kaya pinatitigil na umano ni Marbil ang kanilang operasyon. Subalit ayon kay Malang wala silang planong  diktahan o maliitin ang DOTr SAICT dahil may kanya-kanya silang tungkulin.

Samantala, inamin naman ni Jojo Cagumay, head security ni Pacquiao na driver nila sa service vehicle ang hinuli at natiketan ng DOTr-SAICT at humihingi  sila ng  paumanhin sa inasal ng kanilang tauhan.

“We apologize for this mistake and will ensure it does not happen again,” ani Cagumay.

Hindi umano nila kukunsintihin ang ginawang paglabag ng driver.

EDSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with