^

Metro

Estudyante tiklo sa pagbebenta ng baril

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Estudyante tiklo sa pagbebenta ng baril
Sa ulat, isinagawa ng District Special ­Operations Unit (DSOU) ng Southern Police District, kasama ang ilang tauhan ng District Intelligence Division, District Mobile Force Battalion, at Makati City Police Station ng ang buy-bust operation kaugnay sa ipinatutupad na election gun ban matapos makakuha ng impormasyon hinggil iligal na aktibidad ng suspek.
STAR / File

Pang tuition fee raw

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 25-anyos na estudyante sa iligal na pagbebenta ng baril sa  isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad, sa Makati City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, PBrig. General Anthony Aberin ang suspek na si alyas “Jonathan”, na naaresto alas-4:00 ng hapon sa Chino Roces Avenue, Barangay Magallanes, Makati.

Sa ulat, isinagawa ng District Special ­Operations Unit (DSOU) ng Southern Police District, kasama ang ilang tauhan ng District Intelligence Division, District Mobile Force Battalion, at Makati City Police Station ng ang buy-bust operation kaugnay sa ipinatutupad na election gun ban matapos makakuha ng impormasyon hinggil iligal na aktibidad ng suspek.

Nakumpiska sa suspek ang isang 5.56 rifle at 2 magazine na kargado ng mga bala; isang caliber 5.7 Ruger pistol at 2 magazine na kargado rin ng mga bala at isang iPhone 12 na ginamit sa transaksyon at isang Toyota Corolla Altis. Nakuha rin sa sasakyan ang iba’t ibang identification cards na nakapangalan sa suspek.

Sinabi ni SPD Director PBrig. General Manuel Abrugena na ang matagumpay na operasyon ay isang hakbang upang mapigilan na magamit ang mga baril sa iligal na aktibidad kabilang ang election related crimes.

GUNS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with