^

Metro

Ika-50 anibersaryo ng Jesus Miracle Crusade idaraos sa Quirino Grandstand sa Linggo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isasagawa bukas, araw ng Linggo ng Jesus Miracle Crusade International Ministry (JMCIM) ang pagdaraos ng ika-50 anibersaryo ng Jesus Miracle Crusade sa Quinrino Grandstand na inaasahang dadaluhan ng milyong katao.

Ang selebrasyon ay puno ng espiritu ng pa­puri at pagsamba, makapangyarihang mga patotoo ng pagpapagaling at pagpapalaya, mga pagtatanghal ng pinahirang koro at orkestra at ang dakilang paglilingkod ng Salita ng Diyos. Partikular na tinatawagan ng pansin ng religious group ang mga may mga malubhang sakit gaya ng kanser, may kapansanan at iba pang karamdaman na dumalo upang makatanggap ng “miracle” na sila ay pagagalingin.

Nilinaw ng grupo na sila ay “apolitical” at walang pulitikong maa­ring i-endorso. Gayunman, nilinaw ni Beloved Minister Filmore Awas na iginagalang nila ang lahat sa kanilang paniniwala at sa kung anuman ang gusto nilang sabihin patungkol sa isang  pulitiko.

Umabot nasa 5 dekada ang JMCIM na itinatag noong 1975, at nagawa ang manining­ning na misyon kabilang ang nagawang pagpapalaya ng Abu Sayyaf sa mga hinostage noong 2000 sa Sipadan sa pamamamagitan ni Beloved Honorable Evangelist Pastor Wilde E. Almeda.

CRUSADE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with