^

Metro

Phase out ng EDSA bus lane, posible - MMDA

Ludy Bermudo, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Phase out ng EDSA bus lane, posible - MMDA
A bus zoomed past motorists stuck in heavy traffic as it drove along the southbound bus lane of EDSA in Cubao, Quezon City on November 7, 2023.
STAR / Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Para mabawasan ang mga sasakyang bumibiyahe sa kahabaan ng EDSA, pinag-aralan na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang phase out ng EDSA busway.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes, na lumutang ang pag phase out sa EDSa busway dahil na rin plano ng Department of Transportation (DOTr) na magdagdag ng isang bagon sa mga train ng MRT na mayroong 30% capacity sa bawat trip.

Nilinaw aman ni Artes na ang plano ay gaga­win kung kaya lamang ng MRT na i-accomodate ang lahat ng pasahero ng bus carousel, subalit kung tutuusin aniya ay hindi naman inconvinient ang bus dahil hindi lahat ng istasyon ng MRT ay may bus station.

Sa sandaling matupad aniya ito ay magiging libre ang isang lane kaya may mungkahing ipagamit sa “high occupancy vehicles” tulad sa Amerika na kung tatlo o apat ang pashero ng pribadong sasakyan ay maaaring gamitin ang special lane.

Paliwanag pa ni Artes na kung makakasakay din lang ang mga ­pasahero sa MRT ay hindi na nila nakikitang kailangang pa sumakay ng bus ang mga commuter dahil pareho naman ang ruta at mas bentahe sa mga pasahero dahil mas marami itong istasyon kaysa bus carousel.

Giit pa ni Artes na kung makakasakay din lang ang mga pasahero sa MRT, hindi nila nakikitang kailangang sumakay pa ng bus ang mga commuter dahil pareho naman ang ruta at mas bentahe sa mga pasahero dahil mas marami itong istasyon kaysa bus carousel.

“Kung ma-accommodate naman sa taas sa train ‘yung mga pasahero, we don’t see the need na magkaroon pa ng bus kasi exactly the same route nga siya, and mas bentahe ang train,”ayon pa kay Artes.

Plano na rin ng DOTr na plano na pagdugtungin ang MRT at Light Rail Transit (LRT).

Isa pang suhestion na gawing “special lane” na lang ang Edsa bus lane sa may “high occupancy vehicles”, ani pa ni Artes.

Sa darating na Marso ang gagawing rehabilitasyon sa EDSA.

Samantala, inihayag naman ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na posibleng mag ‘share’ ng lane ang mga bisikleta at motorsiklo sa lane sa EDSA na bahagi ng pagmo-modify” para ma-accommodate ang mga motorsiklo.

EDSA BUSWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with