18-anyos arestado sa shabu at marijuana

MANILA, Philippines — Timbog ang isang 18-anyos na lalaking nasa drug watchlist nang makuhanan ng shabu at highgrade marijuana ng mga awtoridad Martes ng gabi sa Pasay City.
Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director PBrig. General Manuel Abrugena ang suspek na si alyas “Tongs”, residente ng Barangay 56, ng nasbaing lungsod.
Sa ulat ni PCol. Samuel Pabonita, hepe ng Pasay City Police Station, alas-6:30 ng gabi ng Pebrero 4 nang mabitag sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. 56 ang suspek, na nakumpiskahan ng 5.8 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng 39,440.00 at 7.3 gramo ng high-grade dried marijuana leaves (kush) na may standard drug price na P10,950.00.
Bukod pa ito sa nasamsam na violet plastic ziplock na may kush, 6 na maliliit na sachets ng shabu at narekober ang buy-bust money.
Inihahanda na ng Drug Enforcement Unit ng Pasay CPS ang isasampang reklamong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
- Latest