Oil price rollback ulit raratsada sa sunod na linggo
MANILA, Philippines — Makaraan ang pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo, magkakaroon ulit ng panibagong oil price rollback sa susunod na linggo.
Ayon sa abiso ng mga oil players, bababa nang mula 90 centavos hanggang P1.20 ang kada litro ng gasolina, aabutin naman ng P1.30 hanggang P1.60 sa kada litro ang pagbaba sa presyo ng diesel at P1.50 hanggang P1.65 ang pagbaba sa kada litro ng kerosene.
Sinasabing ang nagdaang apat na araw na galaw sa presyuhan sa merkado ng petroleum products ang ugat ng oil price rollback.
Tuwing martes ipinatutupad ang oil price adjustment.
- Latest