Vlogger-Rider na pumasok sa SLEX, sinabpoena ng LTO
MANILA, Philippines — Ipinatatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang isang vlogger-rider na pumasok sa South Luzon Expressway (SLEX) kahit bawal dumaan dito ang motorsiklong gamit alinsunod sa Traffic Laws.
Ayon sa naturang batas, ang mga motorsiklo na 400cc lamang at pataas ang maaaring dumaan sa expressways. Ang naturang rider ay 250cc lamang ang motorsiklong dala nang pasukin ang SLEX.
Ayon sa LTO, kahit pa ang rider-vlogger ay ginamit na content sa kanyang vlog ang pagpasok sa SLEX, ito ay hindi dapat ginawa at dapat sumunod sa batas trapiko.
Sinasabing nang mag upload, nag-viral sa social media ang pagpasok sa SLEX ng vlogger rider ay marami ang nanawagan sa LTO na ito ay parusahan dahil sa paglabag sa batas trapiko.
“Ito ay maliwanag na pambabastos sa rules and regulations ng expressways na ginawa naman para sa kaligtasan ng mga motorista. Ang kahambugan na ipinakita ng rider na ito ay isang pagpapatunay ng kawalan ng disiplina. This will now be the subject of the investigation on whether or not he will still enjoy the privilege of being issued with a driver’s license,” sabi ni LTO Chief Vigor Mendoza
Nakasaad sa show cause order na ipinadala ng LTO sa vlogger rider na taga Quezon City na magtungo sa September 16 sa LTO Intelligence and Investigation Division sa Main Office East avenue QC upang ipaliwanag kung bakit hindi siya maaaring parusahan kaugnay nang paglabag sa Disregarding Traffic Sign at Reckless Driving at kung bakit hindi maaaring suspendihin ang lisensiya dahil sa ginawang kasalanan.
Inilagay na sa alarm status sa record ng LTO ang drivers license at ang Kawasaki 250 motorcycle na may Plate No. 428UDE habang naka pending ang resulta sa ginagawang imbestigasyon hinggil dito ng LTO.
- Latest