^

Metro

PNP-SOSIA inutos counselling sa mga sekyu

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Kailangan na magsagawa kada buwan ng stress management seminar ang mga security agency.

Ito ang inilabas na kautusan ng Philippine National Police – Supervisory Office on Security and Investigation Agency (PNP-SOSIA) sa lahat ng private security service providers para na rin sa kapakanan ng mga guwardiya at sineserbisyuhan ng mga ito.

Batay sa Memorandum Advisory No. 058-2024 na pirmado ni PNP-SOSIA Acting Chief Col. Marlou Roy Alzate, prayoridad nila ang mental health ng mga guwardiya na tulad ng isang  pulis sa pagbibigay ng seguridad sa pagtupad ng tungkulin.

Ayon sa PNP-SOSIA layon din nilang maisulong ang kapakanan ng mga sekyu ng sapat na sahod at iba pang benepisyo.

Nakapaloob pa sa memorandum na ang mga operator ay kinakailangang magsumite ng kanilang compliance report.

Anila, ang mga ito ay nasa batas at legal na ipatutupad.

vuukle comment

SUPERVISORY OFFICE ON SECURITY AND INVESTIGATION AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with