^

Metro

Dating SAF, timbog sa pagpapaputok ng baril; caretaker, nakialam sa pag-aresto, nadamay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang dating miyembro ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP) ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa pagpapaputok ng baril sa Ermita, Manila, habang nadamay ang isang caretaker nang kuwestiyunin ang ginawang pag-aresto ng mga pulis, nabatid kahapon.

Kinilala lamang ang mga inaresto sa mga alyas na ‘Clande’, caretaker, dating miyembro ng SAF, at residente ng Ebingay, Masbate at alyas ‘Cleo,’ caretaker, residente ng M.H. Del Pilar St., sa Ermita.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Ermita Police Station (PS-5), dakong alas-9:55 ng gabi nang maganap ang insidente sa isang bakanteng lote na matatagpuan sa Arquiza St., kanto ng Guerrero St. sa Ermita.

Nauna rito, nagpapatrulya umano ang mga barangay tanod sa lugar nang makarinig ng putok ng baril at impormahan ng isang concerned citizen hinggil sa isang lalaking may hawak ng baril sa naturang lugar.

Nang makumpirma na may lalaking may hawak ng baril at nagpapaputok sa lugar ay kaagad nang inireport ng mga barangay tanod ang insidente sa mga tauhan ng J. Bocobo Police Community Precinct (PCP).

Mabilis namang rumesponde ang mga pulis sa lugar at inaresto si ‘Clande’.

Nadamay naman si ‘Cleo’ nang tinangkang mamagitan at kuwestiyunin ang pag-aresto ng mga pulis sa suspek.

Narekober ng mga pulis ang isang kalibre .45 baril sa ibabaw ng gulong ng isang nakaparadang sasakyan, gayundin ang isang fired cartridge shell at dalawang live ammunitions.

Si ‘Clande’ ay mahaharap sa kasong indiscriminate firing at paglabag sa Republic Act 10591 habang si Cleo naman ay sasampahan ng kasong obstruction of justice sa piskalya.

vuukle comment

SPECIAL ACTION FORCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with