^

Metro

Rider sumalpok sa pick-up tigok

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang rider ang binawian ng buhay matapos na mawalan ng kontrol at sumalpok ang kanyang minamanehong motorsiklo at sa isang pick-up sa Tanay, Rizal kamakalawa.

Dead-on-arrival sa Antipolo City Hospital System ang biktimang si alyas Albert, 22, lock smith, at residente ng Brgy. Mauway, Mandaluyong City dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan habang sugatan naman ang kanyang angkas na hindi agad nakuha ang pagkakakilanlan.

Lumilitaw sa ulat ng Tanay Municipal Police Station na dakong alas-12:00 ng tanghali nang maganap ang insidente sa Marilaque Highway, sa Brgy. Cuyambay, sa Tanay.

Nauna rito, binabagtas ng biktima ang Marilaque Highway patungong Brgy. Sampaloc sa Tanay nang pagsapit sa naturang lugar na tinaguriang ‘Devil’s Corner,’ ay bigla na lang nawalan ng kontrol ang rider sa motorsiklo.

Sanhi nito, sumemplang ang motorsiklo at bumangga sa kasalubong na pick-up na minamaneho naman ng isang alyas ‘Chris,’ 48, self-employed at residente ng Teresa, Rizal.

vuukle comment

RIZAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with