^

Metro

BuCor tiniyak na walang ‘overstaying’ na PDLs

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinitiyak ng ngayon ng Bureau of Corrections (BuCor) na walang overstaying na person deprived ofliberty (PDL) dahil nakatutok sila ngayon dito upang hindi matulad sa isang inmate sa Cavite na 3 taon lang ang sentensya subalit napalaya pagtapos ng 7 taon.

Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr.,walang kapabayaan sa kanilang panig sa isyu ng pagpapalaya kapag napagsilbihan na ang sentensiya dahil sinusunod ng BuCor ang gabay na itinakda ni Justice Secretary Crispin Remulla ng “real justice in real time”

“Wala kaming kaso ng kapabayaan tulad ng nangyari sa isang PDL sa Cavite na sa kadahilanang hindi naipadala ng isang court staff ang release order ay nanatili siyang nasa piitan ng apat na taon pa ganong ang sintensya nya ay tatlong taon lamang. Lumalabas na sya ay nakulong ng pitong-taon imbes na tatlong taon,” ani Catapang.

Sa unang bahagi ng taong ito, iniutos ni Catapang sa PDL Documents and Processing Division (PDPD) ang pagsusuri ng mga talaan ng bilangguan o ‘karpetas ‘ng lahat ng mga PDL hinggil sa legal documentation upang ipaa­lam na rin sa pamamagitan ng komprehensibong impormasyon hinggil sa paglaya.

“Gusto ko kasi na kahit sinong PDL ang tanungin ko kung kailan siya lalaya, alam niya ang isasagot niya,” ani pa ni Catapang. Nagsasagawa ang PDPD sa pamumuno ni CSenior Inspector RaymundPeneyra ng information drive para tugunan ang mga concerns ng PDL.

Sa kasalukuyan, nakapagpalaya na ang BuCor ng 15,382 PDLmula Hunyo 2022 hanggang Hulyo ng taong ito sa ilalim ng Bilis Laya Program nanaglalayong mapabilis ang pagproseso at paglabas ng mga karapat-dapat na PDL.

Pinalaya sila sa ilalim ng iba’t ibang paraan, na kinabibilangan ng maximum sentence served, acquittal, paroled, probation, at executive cle­mency.

vuukle comment

BUREAU OF CORRECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with