^

Metro

‘No apprehension’ tuwing rush hour, ipatutupad sa Maynila

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Agarang ipatutupad sa mga lansangan ng lungsod ng Maynila ang ‘no apprehension during rush hour’ policy.

Ito, ayon kay bagong Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) chief, Narciso Diokno III, ay alinsunod na rin sa direktiba mismo ni Manila Mayor Honey Lacuna.

Ayon kay Diokno, inisyu ng alkalde ang kautusan upang iiwas ang mga motorista sa pag-aresto sa panahon ng rush hour, na mula 6:00AM hanggang 9:00AM at mula 4:00PM hanggang 7:00PM, dahil higit lamang aniya itong magdudulot ng pagkaantala sa kanilang pagbiyahe patungo sa kani-kanilang destinasyon.

Mabilis naman aniyang nilinaw ni Lacuna na hindi ito nangangahulugan na maaari nang lumabag sa batas trapiko ang mga motorista.

Ipinaliwanag pa ng alkalde na sa panahon ng rush hour, karamihan sa mga moto­rista ay nagmamadaling makarating sa kani-kanilang tanggapan o opisina at kung aarestuhin pa ang mga ito ay lalo lamang silang mahuhuli sa pagpasok sa trabaho o sa eskwela.

Tiyak din aniyang higit itong magdudulot ng pagbigat ng daloy ng trapiko sa mga lansangan.

Kasama rin aniya sa kautusan ng alkalde sa MTPB na ipagpatuloy ang pagsasagawa ng traffic direction at control, upang matiyak na maayos ang daloy ng trapiko kung rush hour.

vuukle comment

MAYNILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with