3 ‘tirador’ ng motorsiklo kalaboso
MANILA, Philippines — Arestado ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Quezon City ang tatlong kilabot na ‘tirador’ ng motorsiklo matapos na mabuking na ibinebenta sa online.
Kinilala ni NCRPO chief MGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang mga suspek na si Roselle Jane Malong, 35; Rodel Dizon, 40, at McKelvin Caluza, 33.
Batay sa report, isang delivery rider ang humingi ng tulong sa mga pulis matapos na manakawan ng motorsiklo nitong Martes.
Laking gulat ng biktima nang makita sa market place ang kanyang motorsiklo.
Dakong alas-9:45 ng gabi nang isagawa ng mga awtoridad ang entrapment operation sa Brgy. Commonwealth kung saan isang pulis ang nagpanggap na buyer ng motorsiklo at nag-meet up.
Dito na kinalawit ng mga pulis ang tatlong suspek habang nabawi naman ang dalawang motorsiklo.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10883 o New Anti-Carnapping Act ang mga suspek.
- Latest