^

Metro

Seguridad, police visibility sa train stations, pinaigting ng NCRPO

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PMGen. Jose Melencio Nartatez na mas paiig­tingin ang seguridad at police visibility sa lahat ng mga istasyon ng tren sa Metro Manila.

Ang paniniyak ay ginawa ni Nartatez, kasunod ng napaulat na higit sa 80 krimen na naitala ay sa mga MRT at LRT mula 2023 hanggang 2024.

Ayon kay Nartatez, bineberipika na nila ang mga datos upang mapag-aralan at maaksiyunan.

Kabilang naman sa mga kasong tinututukan ng NCRPO ang mga bomb threat gayundin ang mga insidente ng sexual harrassment at pandurukot sa loob ng mga tren.

Paliwanag ni Nartatez, proactive naman ang mga pulis sa NCRPO na matagal nang pina­igting ang presensya sa mga istasyon ng tren at may mga marshall pang sumasakay para masiguro ang kaligtasan ng mga commuter.

Sinabi nito na mula sa tatlong pulis, ginawa nang lima ang bilang ng pulis kada train station upang matiyak ang kaligtasan ng mga commuter.

Lahat din aniya ng mga ito ay may mga body-worn camera na gagamitin sa inspeksyon at pagpapatrolya.

Tuloy-tuloy rin aniya ang koordinasyon ng NCRPO sa mga pamunuan ng tren at handang tumugon kung mangangailangan pa ng dagdag na deployment.

vuukle comment

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with