Bigong maaresto si Quiboloy, 15 pulis sibak
MANILA, Philippines — Dahil sa kabiguang madakip si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy at limang iba pa, nasa 15 pulis naman ang sinibak sa puwesto ng Philippine National Police (PNP).
Si Quiboloy at limang iba pa ay nahaharap sa kasong child abuse and qualified trafficking.
Ayon kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil, lumitaw sa kanilang isinagawang imbestigasyon na tatlong police commissioned officers at 12 police non-commissioned officers ang kinasuhan ng administratibo.
Gayunman, nilinaw ni Marbil na sinibak ang mga pulis dahil sa kabiguang madakip si Quiboloy at hindi sa anumang kaso.
“Let me clarify these officers were relieved not for their abuses but for their failure to arrest the fugitives of the law Quiboloy and his co-accused,” dagdag pa ni Marbil.
Inatasan din ni Marbil ang PNP Internal Affairs Service na magsagawa ng pagsisiyasat kung gumamit ng “excessive force” ang mga pulis nang isagawa ang operasyon sa compound ni Quiboloy sa Davao noong Hunyo.
- Latest