^

Metro

Rollback sa petrolyo asahan sa susunod na lingo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of  Energy na asahan na ng  mga moto­rista ang posibleng rollback sa mga produktong petrolyo sa darating na linggo.

Ayon kay DOE-Oil Industry Management Bureau Director III Rodela Romero, ilan sa mga ipatutupad ay gasolina  na  walang adjustment o rollback na P0.20; sa diesel, rollback na P0.20 hanggang P0.40 kada litro ; kerosene,  rollback na P0.30 hanggang P0.35 kada litro.

“The downward pressure is attributed to the weakening demand from China and the plans of OPEC+ to increase supplies in the world market,” ani Romero.

Gayunman,  nagbabala ang DOE sa posibleng pagtaas ng pres­yo ng mga produktong petrolyo sa hinaharap dahil sa lumalalang tensyon sa Middle East.

Inanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang opisyal na pagsasaayos ng presyo para sa isang linggo tuwing Lunes, na ipatutupad sa susunod na araw.

Epektibo noong Martes, Hulyo 30, binawasan ng mga kumpanya ng gasolina ang kada litro ng presyo ng gasolina ng P0.75, diesel ng P0.85, at kerosene ng P0.80.

Ang pinakahuling paggalaw ng presyo ay nagdala ng year-to-date adjustments na tumaas sa netong pagtaas ng P9.60 kada litro para sa gasolina at P6.85 kada litro para sa diesel.

vuukle comment

DOE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with