Bagong busway stations pinasinayaan ng MMDA, DOTr
MANILA, Philippines — Pinasinayaan nitong Lunes ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Transportation (DOTr) ang dalawang bagong itinayong EDSA-Philam at Kamuning Stations sa Quezon City para sa EDSA Busway.
Bukod pa rito, ipinatupad ang mga pagpapahusay sa iba pang mga istasyon tulad ng Guadalupe, Santolan, Balintawak, Bagong Barrio, Monumento, Ayala, Buendia, Kaingin, Nepa Q-Mart, Quezon Avenue, Roosevelt, Roxas Boulevard, at Tramo.
Sinabi ni MMDA Acting Chairman Don Artes, ang dalawang bagong itinayong EDSA Busway Stations gayundin ang mga pagpapahusay nito ay patunay sa pinag-isang pagsisikap ng mga ahensya ng gobyerno na makapagbigay ng mahusay, abot-kaya, komportable, at mas ligtas na serbisyo ng bus sa mga commuter.
“The EDSA-Philam station features elevators or manlifters to provide accessibility and convenience to passengers, especially senior citizens and persons with disabilities (PWDs),” ani Artes.
“Four other footbridges, particularly stations in Monumento, Bagong Barrio, Balintawak, Guadalupe, have three elevators or manlifters each to encourage more passengers to ride the EDSA Busway,” dagdag pa niya.
Naglagay rin ang MMDA ng Smart Traffic Surveillance System sa Busway na pinondohan ng DOTR.
Nagpasalamat naman si DOTr Secretary Jaime Bautista sa MMDA sa pagsuporta sa mga proyekto ng DOTr na mabigyan ng komportable at maginhawang pagbiyahe ang mga pasahero.
- Latest