^

Metro

2 suspek sa Grade 6 rape-slay, arestado

Cristina Timbang, Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
2 suspek sa Grade 6 rape-slay, arestado
Nakakulong na sina Chester Bobadilla at Alexan­der Bagalasca, mga suspek sa panggagahasa at pagpatay saCris Grade 6 pupil matapos na magkasunod na naaresto sa hot pursuit operations ng pulisya sa General Trias City, Cavite.
Kuha ni Cristina Timbang

Biktima pinatay sa sakal

MANILA, Philippines — Dalawang pangunahing suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang Grade-6 pupil na nadiskubre ang katawan sa madamong lugar ang naaresto na ng mga awtoridad sa hot pursuit operations sa kani-kanilang tahanan sa Barangay Sta. Clara at Brgy. Navarro, General Trias City, Cavite, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Lt. Col. Jose Naparato, hepe ng Gen. Trias City Police, ang mga suspek na sina Chester Jay Bobadilla alias “Bulok”, at kaibigang si Alexander Bagalasca, kapwa construction worker-driver.

Ang dalawang suspek ang itinuro ng isang testigo na nakita umano nito sa lugar kung saan natagpuan dakong alas-11 ng umaga nitong Martes ang katawan ng mag-aaral na si Rheamae Moreño, 11-anyos, residente ng Brgy Sta. Clara, Gen. Trias City, na may dalawang araw nang nawawala at pinaghahanap ng kanyang ama.

Ayon kay Naparato, si Bobadilla ay unang nalambat ng binuong tracker operatives sa kanyang bahay nitong Miyerkules ng gabi habang si Bagalasca ay nadakip sa follow-up operation, kahapon ng umaga.

Sinabi ni Naparato na ang unang suspek na si Bobadilla ay umamin sa panggagahasa sa biktima habang todo-tanggi naman ang kasama nito sa krimen.

Bagama’t hindi pa inilalabas ang resulta ng autopsy examination sa bangkay ng biktima, sinabi ng opisyal na nakitaan ng “laceration” o sugat sa ari ang bata.

Lumalabas na halinhinang ginahasa ng mga suspek ang biktima.

Ayon sa umaming suspek, napatay niya ang biktima sa pamamagitan ng pagsakal sa leeg nito gamit ang kanyang kanang kamay.

Naging mabilis ang pagtukoy sa mga suspek matapos na lumutang sa himpilan ng pulisya ang isang tricycle driver na nagsilbing “eyewitness” at nagbigay ng matibay na impormasyon nang makita ang mga suspek na nanggaling mula sa masukal na lugar kung saan natagpuan ang bangkay ng bata, dagdag ni Naparato. Nagtago rin aniya ang dalawang suspek at hindi na bumalik sa kani-kanilang tahanan nang puntahan ng mga operatiba ang kanilang lugar.

Sinampahan na ang dalawang suspek ng kasong “rape with homicide” sa City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

CAVITE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with