^

Metro

Love triangle: Mister inutas ng ‘ex’ ni misis

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang mister matapos na pasukin at saksakin ng dating dyowa ng kanyang kinakasama ngayon sa loob ng kanyang tahanan sa Brgy Manresa, Quezon City.

Dead-on-arrival sa Quezon City General Hospital ang biktimang si John Brian Pesadero Diason, 43-anyos, habang pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si Rogelio Utura Advincula, 58, residente rin ng Brgy. Manresa, Quezon City.

Sa pagsisiyasat ng QCPD-CIDU, alas-1:30 ng gabi nitong Miyerkules nang maganap ang krimen sa tahanan ng biktima sa nasabing barangay.

Nabatid na ka-live-in ngayon ng biktima si Mary Grace Velasco na da­ting live-in partner naman ng suspek.

Noong gabing mangyari ang krimen, natutulog si Velasco sa silya sa labas ng kanilang bahay nang magising dahil sa komosyon. Dito ay nakita niyang lumabas ng kanilang bahay ang suspek na si Advincula na may dugo sa mukha at kamay habang hawak ang isang kutsilyo saka mabilis na tumakas.

Nakita naman nnilang naliligo sa sariling dugo ang biktima kaya isinugod pa sa ospital suba­lit binawian din ng buhay.

Sa isinagawang cursory examination, nagtamo ang biktima ng saksak sa dibdib na kanyang ikinasawi.

Selos ang tinitingnan ng pulisya na motibo sa krimen.

Tinutugis na ng awtoridad ang suspek na mahaharap sa kasong murder.

vuukle comment

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with