^

Metro

150 PDLs sa CIW, nabigyan ng libreng legal service

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 150 persons deprived of liber­ty (PDLs) ng Correctional Institution for Women (CIW) ang nakinabang sa libreng serbisyong legal na ipinagkaloob ng Department of Justice (DOJ), katuwang ang Public Attorneys’ Office (PAO) at Arellano University School of Law, kasabay ng pagdiriwang ng ika-126 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan nitong Miyerkules.

Pinangunahan ni Justice Undersecretary Deo Marco ang free legal aid program na bahagi rin “Katarungan Caravan” na kamakailan ay inilunsad sa ilalim ng pangangasiwa ni Usec. Margarita Gutierez, para ilapit ang mga nasabing serbisyo nang libre sa publiko.

Layunin ng proyekto na masigurong mabibigyan ng legal services ang mga bilanggo nang maginhawang pamamaraan para magkaroon ng kakayahan at representasyon na humarap.

vuukle comment

DEPARTMENT OF JUSTICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with