^

Metro

Kagawad walang habas nagpaputok, timbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Kagawad walang habas nagpaputok, timbog
Nahaharap ngayon sa kasong Grave Threats at Alarms and Scandal ang suspek na si Jaime Domingo, 55, kagawad ng Brgy. Panghulo, Malabon at residente ng Karisma Village ng nabanggit ding barangay.
STAR/File

Nairita sa inuman sa tapat ng bahay

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang barangay kagawad matapos ang walang habas na nagpaputok ng baril dahil sa pagkairita umano sa mga nag-iinuman sa gate ng kanyang bahay kamakalawa ng madaling araw sa Malabon City.

Nahaharap ngayon sa kasong Grave Threats at Alarms and Scandal ang suspek na si Jaime Domingo, 55, kagawad ng Brgy. Panghulo, Malabon at residente ng Karisma Village ng nabanggit ding barangay.

Sa report na tinanggap ni Malabon City Police chief PCol. Jay Baybayan, nangyari ang insidente dakong alas-2:30 ng madaling araw nitong Martes sa Road 1, Karisma Village, Brgy. Panghulo, Malabon City.

Nakatanggap ng tawag ang pulisya mula kay Karl Francis de Lara, na umano’y pinagbantaan at pinaputukan ng suspek.

Sa pagresponde ng mga pulis, isinuko naman ni Domingo ang kanyang caliber 45 pistol na may lisensya. Narekober din ang nasa anim na basyo ng bala at dalawang deformed bullet sa lugar.

Ayon sa Malabon Police, nainis umano ang kagawad nang madatnan niyang may mga nag-iinuman sa labas ng gate ng kanyang bahay, kaya bumunot umano siya ng baril at nagpaputok.

vuukle comment

MALABON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with