^

Metro

Babaeng Vietnamese naghubo’t hubad sa NAIA!

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
Babaeng Vietnamese naghubo�t hubad sa NAIA!
Kinilala ang Vietnamese na si Nguyen Thuytrang, isang pasahero ng Cebu Pacific, na sa halip na magbayad ng multa para sa overstaying ay naghubad at naglibot hanggang sa huling security check-point ng NAIA T3, kaya naman nagulo ang mga papaalis na mga pasahero, empleyado, security personnel at airline representatives matapos na mapatunganga sa hubad na katawan nito.
Philstar.com / AJ Bolando, File

Sinabihang magmulta sa ‘overstaying’

MANILA, Philippines — Isang babaeng Vietnamese national na papuntang Kuala Lumpur, Malaysia ang nag-hubo’t hubad sa departure area ng Ninoy Aquino International airport (NAIA) terminal 3, matapos sabihan ng immigration officer na magbayad ng multa para sa labis na pananatili sa bansa.

Kinilala ang Vietnamese na si Nguyen Thuytrang, isang pasahero ng Cebu Pacific, na sa halip na magbayad ng multa para sa overstaying ay naghubad at naglibot hanggang sa huling security check-point ng NAIA T3, kaya naman nagulo ang mga papaalis na mga pasahero, empleyado, security personnel at airline representatives matapos na mapatunganga sa hubad na katawan nito.

Napag-alaman na ang pasaherong ginang ay na-contain sa huling security check-point ng Cebu Pacific ground staff na tinulungan ng mga tauhan ng MIAA at pinatahimik, binihisan saka dinala sa medical clinic sa NAIA terminal 3 para gamutin na umano’y dumaranas ng psychological disorder.

Ang pasahero ay magdamag na nanatili sa medical clinic na tinulungan ng mga kawani ng Cebu Pacific na mabayaran ang overstaying fee nito.

Matapos bigyan ng immigration exit clearance ay inilipad rin siya pabalik sa kanyang bansang Ho Chi Minh City sakay ng Cebu Pacific Airlines.

vuukle comment

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with