UP, Ateneo, De La Salle, UST umangat sa 2025 QS World University Rankings

MANILA, Philippines — Nangunguna ang University of the Philippines (UP) sa bansa sa higher education institutions sa bansa sa Quacquarelli Symonds (QS) World University Rankings 2025 na nakapuwesto ng ika-336 sa buong mundo.
Nakabangon ito mula sa mapanghamong panahon ng COVID-19 pandemic, na noong nakalipas na taon ay ika-404 ranking. Sa 2020 ranking naman na inilabas noong 2019 bumagsak ito sa 396 mula sa dating 356 na slot at nagtuloy pa sa pagbagsak sa 2023 ranking na inilabas noong 2022, na nasa 412, na pinakamababa mula noong 2012.
Sa ratings naman para sa QS WUR 2025, ang pinakamataas na marka ng UP ay nasa Sustainability, kung saan nakakuha ito ng 67.7 sa 100. Ito ay nagpapahiwatig ng commitment ng unibersidad sa mga napapanatiling kasanayan, partikular sa epekto nito sa kapaligiran, lipunan, at pamamahala.
Sa employment outcomes, may rate ito na 65.6 out of 100, na nagpapahiwatig ng mataas na kakayahang magtrabaho ng mga nagtapos nito. Nag-rate rin ito ng 65.3 out of 100 sa Emp[loyer Reputation, na naglalarawan ng mataas na antas ng pagpapahalaga ng mga employer ng alumni ng unibersidad na nagtatrabaho sa kanilang institusyon.
Mataas din ang rating ng UP sa network nito sa International Research Institute na nakakuha ng 60.9 out of 100. Ang academic reputation naman ay may rating na 33.3 out of 100.
Bukod sa UP, umangat din ang rankings ng Ateneo de Manila University na 516th; De La Salle University na nasa 641-650 range; University of Santo Tomas na nasa 851-900 range; at University of San Carlos sa 1401+ range.
- Latest