^

Metro

Bagong laya, nang-hostage ng 64-anyos!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Bagong laya, nang-hostage ng 64-anyos!
Sa ulat ni Parañaque City Police Station chief,  P/Colonel Melvin Montante kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director, P/Major General Jose Melencio Nartatez, napasuko naman ang suspek na si Elias Naraiso, 28-anyos, residente ng Caloocan City.
STAR/File

Dahil sa walang matuluyan

MANILA, Philippines — Isang lalaking bagong laya sa kulungan na walang matutuluyan ang pumasok sa isang bahay at nang-hostage ng isang 64-anyos na lalaki habang armado ng baril, sa Parañaque City, Martes ng umaga.

Sa ulat ni Parañaque City Police Station chief,  P/Colonel Melvin Montante kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director, P/Major General Jose Melencio Nartatez, napasuko naman ang suspek na si Elias Naraiso, 28-anyos, residente ng Caloocan City.

Pansamatalang nakalaya lamang umano si Narciso sa kasong illegal possession of firearms and ammunition matapos magpiyansa.

Hindi naman nasaktan ang biktimang si alyas “Frank”, senior citizen, at residente ng Barangay San Antonio, Parañaque City bagama’t dinala pa rin siya sa Parañaque Hospital upang masuri.

Sa imbestigasyon, dakong alas-8:50 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima.

Bago ang hostage-taking, dumating umano sa lugar ang suspek at nakitang kinausap nito ang isang Melvin Pontillas at Ramon Ebrada saka humingi ng pabor na kung maaari siyang tumira sa kanilang bahay dahil kalalabas lang nito sa kulungan, na tinanggihan ng mga kausap.

Umalis ang suspek at nagtungo sa katabing lugar at pumasok sa bahay ng biktima habang natutulog.

Nang makita ng anak ng biktima na naghahalungkat ang suspek ng mga gamit ay tinanong subalit hindi sumagot ang suspek. Nang makita na may kinuhang baril sa dalang bag ay tumakbo palabas ang anak ng biktima at agad nagsumbong sa barangay.

Rumesponde ang mga tanod at nakakasakop na pulis sa pangunguna nina P/Major Elmer Accatan, PSSg Jeoffrey Maret at Pat. Lovely Flor Rosales suba­lit nag-lock ng pinto ang suspek at pinigilan umanong lumabas ang nasabing senior citizen.

Dito na kinordon ng awtoridad ang area at naglagay ng advanced command post at dakong alas-2:00 ng hapon sa tuloy-tuloy na negosasyon gamit ang wikang ‘Bol-anon’ ay kusa nang sumuko ang suspek kay P/Col. Montante.

Narekober sa suspek ang kalibre .38 pistola at agad na sinampahan ng kasong paglabag sa Se­rious Illegal Detention, Alarms and Scandals at Illegal Possession of Firearms and Ammunitions.

vuukle comment

PARAñAQUE CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with