^

Metro

Kapilya, 5 establisimyento nasunog sa Maynila, 2 bumbero sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang bumbero ang nasugatan sa isang sunog na tumupok sa isang kapilya at limang establisimyento sa Malate, Manila kahapon ng madaling araw.

Hindi na pinangalanan ang mga biktima na ang isa ay miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) habang ang isa naman ay fire volunteer, na kapwa nagtamo ng injuries at nakatanggap na ng paunang lunas.

Batay sa ulat ng Manila BFP, dakong alas-12:20 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Leon Guinto St., sa Malate.

Sinasabing bago ang sunog ay may nakitang electric spark sa isa sa mga tahanan na nasunog, na mabilis namang kumalat sa mga ka­tabing bahay at establisimyento.

Ayon kay Fire Sr. Supt.Christine Cula, District Fire Marshal ng BFP-Manila, nasa limang establisimyento na kinabibilangan ng mga paupahan na kadalasang nirerentahan ng mga seaman, ang ti­nupok ng apoy habang nadamay rin ang isang kapilya sa lugar.

Nasa 10 pamilya o 30 indibiduwal ang tinatayang nawalan ng tirahan dahil sa sunog, na naideklarang under control bago mag-alas-2:00 ng madaling araw.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy na tumupok ng tinatayang aabot sa P500,000 halaga ng mga ari-arian.

vuukle comment

BUREAU OF FIRE PROTECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with