^

Metro

‘Di lahat ng PNP vehicle pwede sa EDSA Busway – NCRPO

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpapaalala si National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief, Police Major Ge­neral Jose Melencio Nartatez Jr, na hindi lahat ng sasakyan ng Philippine National Police (PNP) ay “exempted” sa pagdaan sa EDA bus carousel lane.

Ipinarating ito sa mga miyembro ng NCRPO at mga nasasakupang distrito ni Nartatez sa pamamagitan ni NCRPO Regional Staff chief, P/Brig. Ge­neral Rolly Octavio.

Ipinalabas ni Nartatez ang guidelines base sa Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) Resolution No. 20-002, na tanging on-duty ambulances, fire trucks at PNP vehicles ang awtorisadong gumamit ng EDSA Bus Lanes.

Nilinaw na ang mga PNP vehicles na sangkot sa pagpapatupad ng batas tulad ng paghabol sa mga kriminal o hot pursuit operations ang pinapayagang dumaan sa EDSA busway.

Ayon pa sa NCRPO, pinapayagan din ang mga sasakyan ng pulis na dumaan sa EDSA Bus Lanes kung ang mga ito ay reresponde sa emergency cases kabilang na ang pagliligtas sa mamamayan lalo na kapag may kalamidad, ma­ging gawa ng kalikasan o gawa ng tao.

Nilinaw rin na ang mga sasakyan ng mga opisyal o miyembro ng PNP lalo na ng NCRPO na dadalo lang sa meeting o anumang okasyon at pagpupulong ay mahigpit na pinagbabawalang gamitin ang bus lane.

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with