^

Metro

PCSO: Lotto ticket na nabili sa Cavite, wagi ng P46 milyon

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
PCSO: Lotto ticket na nabili sa Cavite, wagi ng P46 milyon
Sa isang abiso, sinabi ng PCSO na matagumpay na nahulaan ng mapalad na mananaya ang winning combination ng MegaLotto 6/45 na 33-17-40-09-42-20 kaya’t napanalunan nito ang katumbas na jackpot prize na P46,011,957.80.
Philstar.com / Irra Lising,file

MANILA, Philippines — Inianunsiyo kahapon ng Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) na isang lucky bettor mula sa Cavite ang pinalad na makapag-uwi ng P46 milyong jackpot prize ng MegaLotto 6/45 na binola kamakalawa ng gabi.

Sa isang abiso, sinabi ng PCSO na matagumpay na nahulaan ng mapalad na mananaya ang winning combination ng MegaLotto 6/45 na 33-17-40-09-42-20 kaya’t napanalunan nito ang katumbas na jackpot prize na P46,011,957.80.

Ayon sa PCSO, nabili ng lucky winner ang kanyang lucky ticket sa lotto outlet sa LLML Comm Bldg., sa Magallanes, Cavite.

Pinayuhan din naman ng PCSO ang lucky bettor na upang makubra ang kanyang premyo ay magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprisinta ang kanyang lucky ticket, kasama ang dalawang balidong identification cards (IDs).

Samantala, muli rin namang hinikayat ni PCSO General Ma­nager Mel Robles ang publiko na patuloy na suportahan ang kanilang gaming products upang magkaroon na ng pagkakataong ma­ging susunod na milyonaryo ay makatulong pa sa mga kababayan na­ting nangangailangan ng tulong medikal.

Ang MegaLotto 6/45 ay binubola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.

vuukle comment

LOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with