^

Metro

Call center agent, patay sa bugbog ng 4 magkakaanak

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Call center agent, patay sa bugbog ng 4 magkakaanak
Dead-on-arrival sa East Avenue Medical Center ang biktimang si Renz Butlay Rompe, 26,  ng nakatira sa No. 22 Ipil Interior, Peria Road, Old Balara, Quezon City.
STAR/File

Dahil sa nawawalang cellphone

MANILA, Philippines — Isang 26-anyos na call center agent ang namatay nang pagtulu­ngang bugbugin ng apat na magkakamag-anak kabilang ang dalawang babae dahil lamang sa nawawalang cellphone sa Quezon City nitong Linggo ng umaga.

Dead-on-arrival sa East Avenue Medical Center ang biktimang si Renz Butlay Rompe, 26,  ng nakatira sa No. 22 Ipil Interior, Peria Road, Old Balara, Quezon City.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang isa sa mga suspek na si Mylene Adan Trinidad, 26, housewife; habang tinutugis pa ang mga nakatakas nitong kaanak na sina Carolyn Adan alias “Carolyn Montano”, 29, cellphone promoter;  Cesar Delimos alias “Jhayar Delimos”, 30, at John Joseph Trinidad, 29; pawang ng No. 130 Livelihood, Talanay Area 3, Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng ­Quezon City Police District (CIDU-QCPD), naganap ang  krimen bandang alas-5:30 ng umaga  ka­makalawa sa No. 3 Sitio Fatima, Himlayan Road, Brgy. Pasong Tamo, sa lungsod.

Ayon sa pagsisiyasat ni PCpl Nestor V Ariz Jr., nakita ng mga saksi at magkapatid na sina Eliza at Edison Baldoza ang puwersahang pagpasok ng mga suspek sa No. 3 Sitio Fatima, Himlayan Road, Brgy. Pasong Tamo. Agad na kinompronta ni Carolyn si Rompe tungkol sa nawawalang cellular phone subalit sinabi ng huli na wala siyang alam sa nawawalang cellphone. Dito na siya pinagtulungang bugbugin at paghahampasin ng mga suspek ng matigas na bagay hanggang sa mawalan ng malay.

Humingi ng tulong ang mga nakasaksi sa insidente at naisugod pa ang biktima sa EAMC pero idineklarang patay.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with