^

Metro

Apela ni Bistek, muling sinopla ng Sandiganbayan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Apela ni Bistek, muling sinopla ng Sandiganbayan
Actor and politician Herbert Bautista.
Pang-Masa / File

Sa kasong graft

MANILA, Philippines — Tinanggihan muli ng  Sandiganbayan ang apela ni dating ­Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista na mapayagan itong makapagsampa ng ‘demurrer to evidence’ para mapadali ang pagdismis sa kanyang kasong graft.

Sa 14-pahinang re­solusyon na naipalabas noong April 8, pinagtibay ng Sandiganbayan 7th division ang  March 8 resolution na umisnab kay Bautista at kapwa akusado na si dating  QC city administrator Aldrin Cuña na aksyunan ang motions for leave para makapagsampa ng  ‘demurrer to evidence’.

Ang ‘demurrer’ ay maaaring maging daan na payagan si Bautista at Cuña na makuha ang dismissal ng kanilang  graft case kahit walang naipiprisintang depensa at sesentro lamang sa posibleng paghina ng ebidensiya laban sa kanila na naiprisinta ng prosecution panel ng  Office of the Ombudsman.

Ayon sa Sandiganbahan 7th division, bigo si Bautista na maipakita ang anumang  meritorious argument sa kanyang  motion for reconsideration na magiging daan para sa  reversal ng  March 8 resolution.

“As pointed out by the prosecution, the filing of accused’s motion for reconsideration only serves to stall the proceedings,” ayon sa graft court.

“What is clear, therefore, is that trial must proceed following the denial of the motion for leave to demur to the evidence. Consequently, on this technical ground alone, the motion should be denied,” dagdag pa ng graft court .

Wala ring merito na nakita ang  7th Division sa argumento ni  Bautista na busisiin ang  probative value ng bawat ebidensiya na naipri­sinta ng prosekusyon bago magdesisyong tanggihan ang mosyon  na makapagsampa ng  ‘demurrer’.

Sa March 8 resolution ng 7th division ng Sandiganbayan, pinagtibay nito na sapat ang ebidensiya ng prosekusyon para maidiin ang dalawang opisyal  sa kaso.

Noong March 2023 kinasuhan ang dalawang opisyal sa Ombudsman  ng kasong graft  dahil sa pagbabayad ng P32.108 million  sa Geodata para sa  “Online Occupational Permitting and Tracking System” project.

Ayon sa Ombudsman, pumasok sa kontrata si Bautista sa Geodata at inaprubahan ang pagpalalabas ng kabayaran sa kompanya kahit walang specific budget appropriation ordinance ang QC council.

Sa halip, pinirmahan ni Cuña ang Purchase Request at  Obligation Request para maipalabas na dumaan sa pro­seso ang pagpapalabas ng pondo.

Nilinaw ng Ombudsman na nabayaran ng buo ang Geodata kahit hindi natapos ang proyekto.

vuukle comment

HERBERT “BISTEK” BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with