^

Metro

Presyo ng gasolina tataas, diesel, kerosene bababa

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malaking dagok na naman ang mararanasan ng mga motorista na gumagamit ng  gasolina dahil tataas ang presyo nito sa susunod na linggo.

Ayon sa oil players, tataas ng mula 40 centavos hanggang 60 centavos ang presyo ng gasolina kada litro.

Gayunman, may pagbaba naman ang presyo ng diesel ng mula 60 hangggang 85 centavos kada litro.

Bababa rin ang presyo ng kerosene ng 60 hanggang 80 centavos kada litro.

Sinasabing ang nagdaang apat na araw na ­presyuhan ng produktong petrolyo sa merkado ang ugat ng oil price adjustment.

Tuwing Martes ipinatutupad ang pagbabago sa halaga ng petroleum products.

vuukle comment

DIESEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with