^

Metro

8 pulis sa ‘Jemboy slay’, humirit ng reinstatement sa PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
8 pulis sa �Jemboy slay�, humirit ng reinstatement sa PNP
Inieskortan ng mga miyembro ng BJMP ang 5 pulis-Navotas na nahatulang guilty sa kasong pagpatay sa 17-anyos na si Jemboy Baltazar na kanilang pinagbabaril noong Agosto 2, 2023 matapos na mapagkamalan umanong suspek na kanilang hinahabol.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines —  Walong pulis na sinibak dahil sa pagkakasangkot sa kaso ng ‘mistaken identity’ na ikinamatay ng 17-anyos na si Jerhode ‘Jemboy’ Baltazar ang humihingi ng reinstatement o pagnanais na makabalik sa serbisyo.

Sinabi ni PNP spokesperson PCol. Jean Fajardo, na ang walong pulis ay naghain ng kanilang apela sa Regional Appellate Board noong Nobyembre 2023.

“Under appeal po sila. ‘Yung mga na-dismiss po nag-appeal po sila as early as November 2023. Na-dismiss po sila September I was informed earlier na nag-submit po sila ng appeal sa Regional Appellate Court,” ani Fajardo.

Anim sa walong pulis ang kinasuhan sa pagkamatay ni Baltazar  noong Agosto 2, 2023.

Noong Setyembre 2023, inaprubahan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang rekomendasyon ng PNP Internal Affairs Service (PNP IAS) na tanggalin ang walong pulis matapos mapatunayang guilty sa mga kasong administratibo kabilang ang “grave irregularity in the performance of duty and conduct unbecoming of a police officer.”

Nagpaputok ang anim na pulis sa pursuit operation, habang ang dalawa dito ay kanilang team leaders.

Noong nakaraang Martes, napatunayang nagkasala ng homicide ng Navotas Regional Trial Court Branch 286 si Police Staff Sergeant Gerry Maliban, na may hatol na apat hanggang anim na taong pagkakakulong.

Sa anim na akusado, tanging si Police Staff Sergeant Antonio Bugayong lamang ang napawalang-sala.

Hinatulan naman sina dating Police Exe­cutive Master Sergeant Roberto Balais Jr., Police Staff Sergeant Nikko Esquilon, Police Corporal Edmark Jake Blanco, at Patrolman Benedict Mangada ng apat na buwan at isang araw na pagkakakulong sa kasong illegal discharge of firearms.

vuukle comment

JEAN FAJARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with