^

Metro

Pagkakaisa at sama-samang pagkilos kontra Climate Change, kailangan – Mayor Joy

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pagkakaisa at sama-samang pagkilos kontra Climate Change, kailangan � Mayor Joy

MANILA, Philippines — Kailangan ang pagkakaisa at sama-samang pagkilos ng national at local government upang maibsan ang epekto ng Climate Change sa bansa para sa kapakanan ng lahat ng mamamayang Filipino.

Ito ang inihayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte  nang makiisa sa hanay ng mga local leaders  sa opening plenary  ng Sixth United Nations Environment Assembly (UNEA-6) noong nagdaang linggo sa Nairobi, Kenya.

Si Mayor Belmonte ang napi­ling summit rapporteur ng Pilipinas upang magsalita tungkol sa mga ginagawang hakbang ng pamahalaan lalu na ng QC LGU  sa UNEA , ang pinakamataas na level decision-making body hinggil sa kapaligiran.

“Cities like Quezon City are initiators of impactful climate initiatives. National governments should work closely with local governments to successfully scale these solutions up, thus benefiting more residents. “sabi ni Mayor Belmonte.

Anya ang Quezon City ay bumuo ng mga innovative solutions sa tulong ng kanilang mga stakeholders.

Binigyang diin pa ng alkalde  na ang  local authorities ay dapat bigyan ng  platform upang aktibong makiisa sa future UNEA resolutions at iba pang environmental initiatives.

Kasama ni Mayor Belmonte sa UNEA-6 sina Councilor Vito Sotto Generoso, at Kristine Lea Sy-Gaon ng Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD).

Noong nagdaang taon, pinuri si Belmonte bilang UN Environment Programme Champion of the Earth dahil sa policy leadership.

vuukle comment

CLIMATE CHANGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with