^

Metro

P6.8 milyong shabu nasamsam: 5 arestado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasamsam ang nasa P6.8 milyong ha­laga ng iligal na droga sa `isinagawang buy-bust operation ng Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung saan lima katao ang naaresto sa ­Quezon City, Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga nadakip  na sina Rohaida Mariga, 29; Edilyn Ico, 26;  Farjana Dumarang, 24; Roxanne Cunanan, 24; at Noraisa Mariga, 24, na pawang nagmula sa lalawigan ng Bulacan at Bataan.

Nauna rito nabatid na nakipagkasundo ang mga suspek sa PDEA agents na nagpanggap na mga  bu­yer,  na makipagkita sa nasabing lungsod para sa transaksyon.

Sakay ng Toyota Avanza ang mga suspek nang duma­ting sa Quezon City Memorial Circle at dakong alas-7:55 ng gabi sa gitna ng transaksyon sa operatiba ng PDEA, ay inaresto ang mga ito kung saan nakum­piska sa kanila ang dalang isang kilo ng pinaniniwalaang shabu.

Kinumpiska rin ang 5 cellphones ng mga suspek at isang passbook na may nakaipit na transaction slip.

vuukle comment

ARRESTED

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with