^

Metro

Nigerian huli sa buy-bust

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naaresto ang isang Nigerian natio­nal sa isinagawang buy-bust operation ng Las Piñas City Police Station Drug Enforcement Unit, sa nasabing lungsod, ka­makalawa ng gabi.

Nakilala ang suspect na si alyas Christian, 43, na nakuhanan ng nasa P204,000 halaga ng droga.

Ayon sa ulat, alas-9:00 ng gabi ng Pebrero 19, 2024 nang mahulog sa bitag ang suspek , sa ikinasang operasyon sa Barangay Talon Dos, Las Piñas City.

Kabuuang 30 gramo ng pinaniniwalaang ­shabu na nasamsam mula sa suspek ang ginamit na ebidensiya para sa paghahain ng reklamong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Nabawi rin ang marked money na ginamit sa operasyon.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with