^

Metro

10 pulis sibak sa serbisyo sa illegal raid sa POGO

Ludy Bermudo, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
10 pulis sibak sa serbisyo sa illegal raid sa POGO
Manila Police District (MPD) on January 4, 2024.
STAR/ Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Tuluyan nang sinibak sa serbisyo ang 10 pulis mula sa Southern Police District (SPD) na sangkot sa illegal raid at arbitrary detention sa  apat na Chinse kamakailan sa Parañaque City.

Ayon kay  National Capital Regional Police Office (NCRPO)NCRPO Regional Director Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., kabilang sa tinanggal sa serbisyo sina Police Lt. Jolet Guevarra, hepe ng District Special Operations Unit, ng Southern Police District (DSOU-SPD), Police Major Jason Quijana, Deputy ni Guevarra; Police Major John Patrick Magsalos, Station Commander ng Police Station 2, Tambo Paranaque City; Police Capt. Sherwin Limbauan; PEMS Arsenio Valle; PSSg Mark Democrito; PSSg Danilo Desder Jr.; PSSg Roy Pioquinto; PSSg Christian Corpuz at Police Cpl. Rexes Claveria.

Batay sa dismissal order na inilabas ng NCRPO nitong Pebrero 12, ang mga sinibak sa  mga pulis ay kina­suhan ng Grave Misconduct; Grave Irregularity in the Performance of Duty; Grave Neglect of Duty; Conduct of Unbecoming of a Police Officer; Less Grave Misconduct at Less Grave Neglect of Duty with Certificates of Implimentation.

Ang sampu ay pawang naisailalim na sa pagdinig sa NAPOLCOM.

Sa isinagawang  imbestigasyon, sinabi ni  Nartatez na napatunayang  nagkasala ang mga pulis nang kunin ang nasa P27 milyon at Rolex watch ng mga dayuhan na POGO workers at pagtatanim ng  mga baril at magazine upang  ipakita na lehitimo ang kanilang operasyon.

Nagkaroon din ng pang-aabuso sa pagsisilbi ng search warrant nang halug­hugin ang lugar na hindi sakop ng search warrant.

Pineke rin umano ng mga pulis ang dokumento nang hindi isama sa inventory ang P27 milyon at si­rain ang mga CCTV sa condominium. Hindi rin pinagana ng mga pulis ang kanilang body-worn cameras.

Napag-alam kay Nartatez, inaprubahan din niya ang  rekomendasyon sa demotion ng  pito pang  pulis habang suspensiyon naman ng 17 iba pa.

Habang ang dalawa pang senior police officials na nadawit sa maanomalyang operasyon na sina PGen. Roderick Mariano at PCol. Charlie Cabradilla ay isasailalim naman sa administrative disciplinary proceedings matapos makakuha ng presidential clearance.

Nag-ugat ang kanilang pagkakasibak sa raid ng tropa ng DSOU ng SPD sa isang POGO hub sa Parksuites condo sa Barangay Tambo sa Parañaque City nitong Setyembre 2023 kung saan nilimas umano ng mga nasabing pulis ang milyon-milyong pisong laman ng vault ng mga Chinese na kanilang inaresto.

Dagdag pa ni Nartatez na ang pagkakasibak sa mga pulis ay magsilbing aral sa iba pang pulis at indika­syon na sinsero sila na linisin ang hanay ng PNP.

“Our message is clear, NCRPO and the PNP as a whole shall not condone any and all forms of abuse and criminal behavior of our men. We are exerting all efforts to weed out all erring personnel from our ranks through our invigorated internal cleansing program,” ani Nartatez.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with