^

Metro

200 preso mula Bilibid, inilipat na sa Leyte Regional Prison

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
200 preso mula Bilibid, inilipat na sa Leyte Regional Prison
Inmates walk free from the New Bilibid Prison in Muntinlupa yesterday after serving their prison terms.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Maayos na naibiyahe ang nasa 200 bilanggo mula New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City patungo sa Leyte Regional Prison (LRP) sa  Abuyog town, bilang bahagi ng regionalization ng mga piitan sa ilalim ng Bureau of Corrections (BuCor), ayon sa pahayag kahapon ni Director General Gregorio Pio  Catapang Jr. 

Ani Catapang, noong Martes ng gabi (Pebrero 6) nang umalis sa Maynila ang mga inmates na ineskortan ng corrections officers at Special Weapons and Tactics (SWAT) teams, hanggang sa ligtas na nakarating sa Leyte noong Huwebes ng gabi (Peb. 8).

Naniniwala si Catapang na ang mga inilipat na preso ay makakatulong sa LRP para mapalawak pa ang pagtatanim ng palay at gulay, na sumusuporta rin sa food security program ng gobyerno.

Ang proyekto na naka-angkla sa ilalim ng “Bagong BuCor sa Bagong Pilipinas”, sa pakikipagtulungan ng iba pang ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Agriculture at Philippine Economic Zone Authority ay naglalayon magamit na mabuti ang mga idle lands ng BuCor at payagan ang mga PDL nito bilang institutional mga manggagawa sa negosyong pang-agrikultura.

“We have laid down the foundation for the modernization of BuCor and we will see to it that this endeavor will result for the betterment of PDLs and the BuCor as a whole to be re­levant, sustainable and respected,” ani Catapang.

vuukle comment

NEW BILIBID PRISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with