^

Metro

Unconsolidated PUVs puwedeng pumasada kung rehistrado - LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Unconsolidated PUVs puwedeng pumasada kung rehistrado - LTFRB
An automotive corporation in Project 4, Quezon City showcases their modernized jeepneys on January 31, 2024.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Ipinaalala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga may-ari ng unconsolida­ted public utility vehicles (PUV) na pinapayagan silang pumasada hanggang April 30, 2024, pero dapat ay nakarehistro ang kanilang sasakyan at may existing Personal Passenger Accident Insurance Coverage.

Ang paalala ay ginawa ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III kasabay nang pagsasabing nakasaad anya sa Memorandum Circular 2024-001 ang guidelines sa consolidation sa pa­nahon ng extension ay pinapayagan ang mga unconsolidated passenger vehicles ­operators na mag-operate hanggang sa consolidation deadline sa April 30.

Ang naturang me­morandum ay nagtatakda rin ng guidelines para sa pagsasampa ng aplikasyon para sa consolidation na kaakibat ang mga documentary requirements at procedures.

Para sa mga rutang nakapaloob sa Local Public Transport Route Plan (LPTRP), pinapayagan ang consolidation sa kasalukuyang rationalized routes na walang consolidated entity noong December 31, 2023.

Kung ang bilang ng unconsolidated units ay mababa sa 40% ng total NAU ay hindi papayagan ang consolidation dito.

Gayunman niliwanag ng LTFRB na unconsolidated individual operators ay maaari namang sumama sa existing Transport Service Entity (TSEs) hinggil sa route subject para sa confor­mity nito.

Una nang inutos ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ma-extend ang PUV consolidation hanggang April 30 upang bigyan ng sapat na panahon ang mga hindi pa nakakasama sa konsolidasyon sa ilalim ng PUV modernization program.

vuukle comment

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with