^

Metro

Bagong deadline sa PUV consolidation, pinal na!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Bagong deadline sa PUV consolidation, pinal na!
Nabuhayan ng loob ang maraming jeepney drivers/ operators sa ginawang pagpapalawig sa PUV consolidation hanggang sa Abril 30, bagamat ang nais nila ay tuluyang pagpapatigil sa modernization program ng pamahalaan.
Edd Gumban

Wala nang hihirit pa

MANILA, Philippines — Nanindigan kahapon ang Department of Transportation (DOTr) na pinal na ang bagong public utility vehicle (PUV) consolidation deadline na itinakda ng pamahalaan hanggang sa Abril 30, 2024, sa ilalim ng PUV Modernization Program (PUVMP).

Nauna rito, nitong Miyerkules ay inaprubahan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang rekomendasyon ni DOTr Secretary Jaime Bautista na i-extend ang deadline para sa konsolidasyon ng mga PUVs sa isang kooperatiba o korporasyon.

Sa isang pulong balitaan naman kahapon, sinabi ni Bautista na pinal na ang naturang deadline at hindi na nila muli pang irerekomenda   ang panibagong ekstensiyon para dito.

Ayon kay Bautista, sa kanyang pananaw ay sapat na ang tatlong buwan upang makapag-conso­lidate ang mga PUVs. “I think three months is more than enough time for them to consolidate… what we are really after is those who are willing to consolidate.”

Dagdag pa niya, “After April 30, we will no longer recommend an extension. This is already the eighth extension.”

Sinabi rin ni Bautista na dapat sana ay itutuloy na nila ang pagpapatupad ng PUVMP kahit nasa 76% pa lamang ang nationwide consolidation rate.

Sapat na kasi aniya ang naturang bilang para ipatupad ang programa, ngunit nagpasyang palawigin pa ito.

Inaasahan naman ni Bautista na sa sandaling matapos ang panibagong deadline ay aabot na sa 85% ang consolidation rate.

“At 85%, I’m very sure this will be a very successful project,” aniya.

Matatandaang nang deadline para sa PUV consolidation ay pormal nang nagtapos noong Disyembre 31, 2023 ngunit maraming transport groups ang humihi­ling na mapalawig pa ito.

Layunin umano ng ekstensiyon na ma­bigyan pa ng sapat na pagkakataon ang mga operators na nagpahayag ng intensiyong mag-consolidate ngunit hindi nakaabot sa deadline. 

vuukle comment

DOTR

PUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with