^

Metro

4 sa P2.1 milyong robbery, sibak sa serbisyo – PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinibak na sa serbisyo ang apat na pulis na sangkot sa P2.1-milyong “robbery” sa isang negosyante sa Zamboanga City noong Nobyembre 14, 2023.

Batay sa report ni Police Regional Office (PRO) 9 Director P/Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding ang apat na parak ay dinismis niya sa serbisyo matapos na mapatunayan sa kanilang isinagawang imbestigasyon na ang mga ito ay guilty sa kasong grave misconduct. Epektibo agad ang pagsibak sa kanilang PNP service ang apat.

Kinilala ng opisyal ang mga nasibak na sina Lt. Ariel Jolatoria, 43-anyos, Staff Master Sgt. Al-Najir Ynawat, 41; Staff Sgt. Edcel Nicolas, 42, at Patrolman Ryan Apostol, 31.

“The Police Regional Office 9 (PRO 9) upholds its commitment to the highest standards of integrity, morality, and uprightness”, pahayag ni Masauding na iginiit na anumang gawaing kriminal at iba pang illegal na aktibidades na kinasasangkutan ng kanilang mga tauhan ay hindi niya kailanman kukunsintihin.

Una nang kinasuhan ng robbery ang apat na pulis matapos umano nilang pagnakawan ang tahanan ng negosyanteng si Al-Ghabid ­Umabong Abdul sa Brgy. Tetuan, Zamboanga City noong Nobyembre 14 ng nakalipas na taon. Sinasabing aabot sa P2.1 milyong halaga ang natangay ng mga kawatang parak kabilang ang sari-saring mga mobile phones na ipinagbibili ng negosyante sa kaniyang establisyemento.

Lumilitaw sa blotter na pineke ng mga suspect ang warrant of arrest laban sa ama ni Abdul kung saan nagpakilala silang mga mi­yembro ng Regional Special ­Operations Group (RSOG).

Samantala, nadiskubre rin na nang mangyari ang krimen, si Jolatoria ay nakatalaga sa Regional Headquarters Support Unit; si Apostol ay kasapi ng Zamboanga City Mobile Force Company, si Ynawat ay miyembro ng City Mobile Patrol Unit habang si Nicolas ay nakatalagang duty officer ng Police Station 7 ng Zamboanga City Police.

vuukle comment

PRO

ROBBERY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with