^

Metro

Walang nawawalang case folders ng mga ‘pasaway’ na Metro Manila cops

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi umano nawawala ang case folders ng mga pulis sa Metro Manila kundi na-misplaced lamang.

Ito ang ginawang paglilinaw ni Philippine National Police (PNP) Public Information Officer Col. Jean Fajardo matapos lumabas ang mga ulat tungkol sa pagkawala ng case folders ng mga pulis na nakadestino sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na sangkot sa ibat-ibang kaso kabilang ang sa ilegal na droga.

Binanggit pa nito na ang lahat ng case folders ng NCRPO cops ay accounted nang lahat.

“Medyo namisplace, medyo nadaganan ng ibang mga dokumento pero clinarify nila wala pong nawawalang case folder,” dagdag pa nito.

Inihayag pa nito na ang NCRPO sa pamumuno ni Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ay walang backlog sa mga kasong administratibo.

Nasa 800 administrative complaints ang naresolba na ng NCRPO, habang nasa 300 pulis na rtin ang nadismis sa serbisyo dahil sa mga grave offenses.
Nabatid na hindi umano agad nakita ang mga folder dahil sa ipinatupad na reassignment ng ilang police officers na in-charge sa mga dokumento, bukod pa sa dating binaha ang naturang tanggapan.

vuukle comment

METRO MANILA

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with