^

Metro

Good governance, muling tiniyak ni Mayor Joy

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling ipinangako ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagkakaroon ng mabuting pamamahala kahit na naramdaman at nakita na ng mamamayan ang mga tagumpay na nagawa sa pamahalaang lungsod para sa kapakanan ng mga QCitizens.

“If I will sum up what our local government has achieved, I would say that we have come a long way, but there is still a lot to aspire for. We do not just see a good future, our people already feel it, ” ayon pa kay Belmonte .

Tampok sa kanyang talumpati ang ilang mga pangunahing achievements ng lokal na pamahalaan at ng iba’t-ibang tanggapan ng QC LGU.

Binigyang diin din ng alkalde ang magandang epekto ng good governance ay nagbunsod ng pagtaas ng local revenue collection ng lungsod na may 30 percent nang walang naipatutupad na bagong pagbubuwis.

Mula sa P16 bilyon noong 2018, inaasahan na makakakolekta ang lokal na pamahalaan ng P21 bilyon ngayong buwan mula sa local revenue sources.

Ngayong taon anya ang budget ng QC LGU ay P35.1 bilyon na pinakamataas na pondo na naaprubahan ng lokal na pamahalaan. Mula dito, nailaan ang malaking bahagi nito sa social services na may P13.4 bilyon, sinundan ng edukasyon- P5.3 bilyon at infrastructure - P3.4 bilyon.

Kahit na may pagtaas ang budget ng QC LGU, nakopo naman sa tatlong magkakasunod na taon ang unqualified opinion mula sa Commission on Audit (COA).

vuukle comment

LGU

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with