^

Metro

‘Sabit’ sa PUVs, bawal na sa Maynila

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
�Sabit� sa PUVs, bawal na sa Maynila
Ipinasa sa ikatlo at huling pagbasa ang Ordinance 9003 o ang “Bawal Sabit on PUV Ordinance” na inihain ni Manila 1st District Councilor Marjun Isidro Jr. nitong Nobyembre 9.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Bawal na sa lungsod ng Maynila ang pagsabit ng mga pasahero sa mga PUVs (public utility vehicles) makaraang magpasa ng ordinansa ang Sangguniang Pang­lungsod ng Maynila na magpapataw ng multa kapuwa sa tsuper at pasahero.

Ipinasa sa ikatlo at huling pagbasa ang Ordinance 9003 o ang “Bawal Sabit on PUV Ordinance” na inihain ni Manila 1st District Councilor Marjun Isidro Jr. nitong Nobyembre 9.

Sa ilalim nito, ipinagbabawal na ang “overloading” sa lahat ng PUV o pagpapasakay ng lagpas sa maximum loading capacity.

“It specifically prohibits any driver to allow standing passengers, particularly those that precariously hang on the jeep’s entryway to get a ride. (Partikular na ipinagbabawal ang pagpayag ng tsuper sa mga pasahero na tumayo, partikular ang mga nakasabit sa entrada ng mga jeep na labis na mapanganib,” ayon sa ordinansa.

Ang mga mahuhuli na tsuper, konduktor at pasahero ay papatawan ng multang: P500 sa unang paglabag; P1,500 sa ikalawa; at P3,000 at pagkakulong ng hindi lalagpas sa isang buwan sa ikatlong paglabag, base sa diskresyon ng korte.

Inaasahan ni Isidro na mababawasan ng ordinansa ang aksidenteng nangyayari sa Metro Manila.  Sa datos ng  Metro Manila Development Authority(MMDA) noong 2022, nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng vehicular accident sa 58,447 o average na 157 kada araw.

Ngunit sa pinakahu­ling ulat ng MMDA sa unang pitong buwan ng 2023, nakararanas ang Metro Manila ng ave­rage na halos 211 road accidents o kabuuang 44,493 aksidente mula Enero hanggang Hulyo.

Magiging epektibo ang “Bawal Sabit on PUV Ordinance” may 15 araw makaraang mailathala ito sa dalawang pahayagan na may lokal na sirkulas­yon.

vuukle comment

PUVS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with