Quezon City fire: 2 sugatan
MANILA, Philippines — Dalawa ang iniulat na nasugatan sa naganap na sunog sa Batasan Hills, Quezon City kamakalawa.
Ang mga biktima ay nakilalang si Victor Takiki, 39, at Enrique Nicomendez, 33, kapwa residente ng naturang lugar.
Nabatid na si Takiki ay nagtamo ng multiple 2nd degree burns sa kaliwa at kanang braso, hita, at first degree burn sa mga daliri habang si Nicomendez naman ay dumanas ng electric shock at kaagad na isinugod sa Rosario Maclang General Bautista Hospital.
Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), naganap ang sunog sa isang residential area sa Taniman St., Brgy. Batasan Hills, QC, dakong alas-4:35 ng hapon.
Umabot lamang ang sunog ng unang alarma bago tuluyang naapula dakong alas-6:02 ng gabi.
Nasa 15 bahay ang tinatayang naapektuhan ng apoy.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog at halaga ng mga ari-ariang tinupok nito.
- Latest