Volume ng sasakyan sa EDSA mas mataas kumpara bago magpandemya
MANILA, Philippines — Mas mataas na ngayon ang volume o bilang ng mga sasakyan na dumaraan sa EDSA kumpara sa pinakamataas na naitala bago tumama ang pandemya sa bansa noong 2019.
Sinabi ni MMDA Acting Chairman Att. Don Artes, na nakapagtala sila ng 425,890 behikulo na dumaan sa EDSA. Mas mataas ito sa 405,822 na naitala noon pang 2019.
Sa kabila ng pagtaas ng bilang ng mga behikulo, ipinagmalaki naman ni Artes na mas umayos ang daloy ng trapiko sa EDSA dahil sa mas bumilis pa ang travel time dito.
Nakapagtala ng 24.98 kilometers per hour nitong Mayo 22, 2023 na mas mataas pa sa 21.67kph noong Enero 2020 bago ang pagtama ng COVID-19.
Samantala, bumaba rin umano ang bilang ng mga aksidente sangkot ang mga motorsiklo sa Commonwealth Avenue sa Quezon City dahil sa implementasyon ng motorcycle lanes.
“The implementation of Exclusive Motorcycle Lane along Commonwealth Avenue started last March 2023 to help reduce the number of fatal road crashes involving motorcycles and to improve traffic flow on the said road,” ayon kay Artes.
- Latest