Rollback sa petrolyo, ipapatupad
MANILA, Philippines — Simula ngayong Martes ay magbabawas presyo ang mga kompanya ng langis sa kanilang mga produktong petrolyo.
Ayon sa mga oil companies, may bawas sila na 60 centavos per liter sa presyo ng gasolina at 30 centavos per liter sa diesel, samantalang 60 centavos per liter din ang baba nila sa presyo ng kerosene.
Ang CleanFuel ay magpapatupad ng price adjustment ng alas-12:01 ng madaling araw ngayong Martes , samantalang ang Shell Pilipinas at Seaoil ay magpapatupad ng rollback ng alas-6 ng umaga.
Sinasabing ang price adjustment ay dulot ng epekto ng paggalaw ng presyuhan ng oil products sa merkado.
- Latest