^

Metro

7 pulis sibak sa pangongotong sa 13 preso!  

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinibak sa puwesto ang pitong pulis kabilang ang kanilang hepe sa Police Station 2 ng Angeles City Police dahil sa umano’y isyu ng ilegal na pag-aresto at pangingikil sa 13 preso na nakakulong dito.

Nakilala ang mga sinibak na sina PMaj. Marvin Aquino, station commander;  PMaster Sgt. Romulo Meligrito-Intelligence/DEU;  PStaff Sgt Nikko Dave Marquez, investigation/jailer/desk officer; PStaff Sgt. Mark Steven Sison, investigation /jailer/desk officer;  PCpl Richard R Gozum-Intelligence / DEU;  PCpl Diosdado Buenconsejo Villamor Jr., ng Intelligence/DEU; PCpl Jaypee Mangilit, ng Intelligence/DEU; at mahaharap din sa kaso ang civilian asset ng mga pulis na si Esmael Arviola na nahaharap sa kasong illegal possession ng cal.38 revolver na may apat na bala.

Sa report ni PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) director Brig. Gen. Warren De Leon kay PNP chief Gen. Benjamin Acorda, Jr., Biyernes dakong alas-3:45 ng hapon nang magsagawa ng surprise inspection ang IMEG katuwang ang IMEG-Luzon Field Unit (lead unit), IMEG-Counter Intelligence Division; 3SAB, 35SAC, 2SAB, 22SAC, Angeles City Internal Affairs Service (IAS) at Angeles City Police Office, sa Police Station 2 ng Angeles City Police.

Nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na may mga inaaresto at ikinukulong sa naturang police station at hinihingan pa umano ng pera ng mga tauhan nito. Wala ring kasong isinampa laban sa kanila.

Hinihingan din umano ng mga pulis ng P30,000 ang bawat preso o naaresto kapalit ng hindi pagsasampa ng kasong paglabag sa RA9165 o may kinalaman sa droga.

“Bakit mo aarestuhin ang isang tao tapos hindi mo [sasampahan] ng kaso? Nakadetain lang doon eh anong inaantay nila? Areglo! At walang mai-explain kung bakit walang mai-file na kaso,” ani De Leon.

Dahil dito, nakatakdang magsasagawa ng mga inspeksyon ang PNP sa lahat ng mga custodial facility nito sa buong Pilipinas upang maiwasang maulit ang nangyari sa Angeles City.

Dinala na sa PNP Headquarters sa Camp Crame ang pitong naarestong pulis at mahaharap sa reklamong arbitrary detention at unlawful arrest.

vuukle comment

POLICE STATION 2

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with