^

Metro

Sunog sumiklab sa Divisoria Market

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Sunog sumiklab sa Divisoria Market
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP-Manila, dakong alas-10:30 ng umaga ng sumiklab ang apoy sa ika-limang palapag ng Pam Building.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nasunog ang isang commercial building sa Divisoria Market na nasa panulukan ng CM Recto Avenue at Sto. Cristo St., Binondo, Maynila, kahapon  ng umaga.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP-Manila, dakong alas-10:30 ng umaga ng sumiklab ang apoy sa ika-limang palapag ng Pam Building.

Sa imbestigasyon, ang nasunog ay ang Gold Rich General Merchandise/Sun City store na pag-aari ng isang Amy Co.

Nabatid na umabot lamang sa ikalawang alarma ang sunog bago idineklarang fire-out alas- 12:27 ng hapon.

Walang naitalang nasawi o nasaktan sa pangyayari bagamat nasa humigit-kumulang na P480,000 halaga ng ari-arian ang napinsala ng sunog.

Umabot sa 40 truck ng BFP at fire volunteers ang nagtulong-tulong kaya mabilis na naapula ang apoy.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with